TINATAYA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang March 2024 headline inflation ay maaaring maitala sa 3.4 hanggang 4.2 percent.
“Continued price increases of rice and meat along with higher domestic oil prices and electricity rates are the primary sources of upward price pressures for the month,” pahayag ng BSP sa isang statement nitong Lunes.
Gayunman, sinabi ng central bank na ang mas mababang presyo ng prutas, gulay, at isda, kasama ang paglakas ng piso ay maaaring mag-ambag sa downward price pressures.
“Going forward, the BSP will continue to monitor developments affecting the outlook for inflation and growth in line with its data-dependent approach to monetary policy decision-making,” ayon pa sa BSP.
Ang inflation noong Pebrero ay naitala sa 3.4 percent.
Ang headline inflation para sa Marso ay ilalabas sa Biyernes, Abril 5.
LIZA SORIANO