(Inaasahan ng BSP) 5.8-6.6% INFLATION SA MAYO

BSP-INFLATION

UMAASA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mapananatili ng inflation rate ang downward trend nito sa Mayo.

Sa isang statement, sinabi ng BSP na ang inflation rate ay maaaring maitala sa 5.8% hanggang 6.6%.

Ang low end ng inflation forecast ng central bank ay mas mabagal sa 6.6% noong Abril.

Ayon sa BSP, ang pagbaba sa presyo ng langis, poultry, isda, at koryente ay maaaring magresulta sa mas mababang inflation.

Samantala, ang mas mataas na presyo ng bigas, gulay at iba pang food items, gayundin ng liquefied petroleum sa naturang buwan ay maaaring magpabilis sa inflation.

“Going forward, BSP will continue to monitor developments affecting the outlook for inflation and growth in line with its data-dependent approach to monetary policy formulation,” sabi ng BSP.