(Inaasahan ng BSP ‘pag inalis na ang ECQ) SLOW ECONOMIC RECOVERY

Dennis Lapid

MAGIGING mabagal ang pagbangon ng ekonomiya ng Filipinas sa sandaling alisin na ang enhanced community quarantine, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“Overall our view on the path or outlook for domestic economic activity or GDP will be a U-shaped recovery,” ani BSP Director for Economic Research Dennis Lapid sa isang virtual press briefing.

Nangangahulugan, aniya, ito ng mabagal na pagbangon kapag inalis na ang lockdown.

Isinailalim ni Presidente  Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa enhanced community quarantine simula Marso 17 hanggang Abril 14, at pinalawig pa hanggang Abril  30.

Kahapon ay in-extend pa ng Pangulo ang  ECQ sa Metro Manila, Central Luzon ar Calabarzon hanggang Mayo 15. Isinailalim din niya ang ilang lugar sa Visayas at  Mindanao sa  ECQ.

Paliwanag ni Lapid, ang mabagal na economic  recovery ay bunga ng inaasahang paghina ng overall global economic activity dulot ng COVID-19 pandemic.

“Weaker global activity could lead to sharper decline to tourism receipts, trade, and remittances and that could be a downward influence on GDP (gross domestic product) growth,” aniya.

Nauna nang sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang worst case scenario ay ang zero to -1% economic growth sanhi ng global pandemic.

Sa kabila nito, sinabi ni Lapid na nagsagawa na ang monetary authorities ng agresibong policy responses upang mapangalagaan ang ekonomiya.

Kabilang, aniya, rito ang kabuuang 125 basis points reduction sa key policy rates na inaasahang magpapaganda sa financial conditions at susuporta sa economic growth, gayundin ay magpapataas sa consumer at business confidence.

Comments are closed.