POSIBLENG maitala ang November inflation sa pagitan ng 7.4 percent at 8.2 percent range, ayon sa isang think tank ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Maaaring malagpasan nito ang 7.7 percent inflation noong Oktubre.
Ang consumer price index noong Oktubre ay inaasahang mananatili sa ibabaw ng 2-4 percent target range ng pamahalaan.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Economic Research ng BSP na ang upward price pressures ay sanhi ng mas mataas na singil sa koryente, pagsirit ng presyo ng agricultural products dahil sa bagyong Paeng at ng pagsipa ng presyo ng LPG.
Samantala, ang pagbaba ng presyo ng baboy at mga produktong petrolyo, gayundin ng paglakas ng piso kontra dolyar ay maaaring ma-offset ang price pressures para sa buwan.
Ayon sa central bank, bagaman inaasahang mananatiling mataas hanggang sa pagtatapos ng taon, “inflation is projected to gradually decelerate in the succeeding months as the cost-push shocks to inflation due to weather disturbances and transport fare adjustments dissipate.”
“The timely implementation of non-monetary measures will also help temper price pressures in the months ahead,” dagdag pa ng BSP.