(Inaasahan ng DOTr) 300K PASAHERO KADA ARAW SA MRT-3 FREE RIDES

MRT-3-7

INAASAHANG aabot sa daan-daang libong pasahero ang sasakay sa MRT-3 sa pag-aalok ng pamahalaan ng libreng sakay sa mga susunod na linggo, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Michael Capati, ang  Director of Operations for the MRT-3 ng DOTr, na may 281,507 pasahero ang tumangkilik sa unang araw ng libreng sakay noong Lunes.

“We’re looking at around 300,000 to 400,000 na pasahero ang tatangkilik sa atin around this period,” aniya.

Sa isang event noong nakaraang linggo, sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na may libreng sakay ang MRT-3 mula March 28 hanggang April 30.

Sa hiwalay na panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Capati na unti-unti nang bumabalik ang ridership sa pre-pandemic levels.

“Umakyat ng mahigit 15% ‘yung ating number of riders… Ang pre-pandemic natin kasi umaabot tayo sa range ng 350 (thousand). So I think slowly, bumabalik tayo sa pre-pandemic numbers natin — kasi naman lumuluwag na rin yung ating level sa stituation sa pandemic,” aniya.

“Sa mga may edad na 18 pataas, meron po tayo sa March 29 at 31, 9 a.m. to 4 p.m. sa Star Mall at Light Mall — malapit sa Shaw Blvd. At sa April 1 meron sa 9 a.m. to 4 p.m. sa Shangri-La mall.”