(Inaasahan ng ECOP) NEGOSYO SA PH BALIK SIGLA SA 2021

Sergio Ortiz Luis Jr

NANINIWALA ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na muling sisigla ang kalakalan sa bansa sa 2021.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz Luis Jr., may mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ang muling makakakuha ng trabaho.

Muli aniyang magbubukas ang mga negosyo bagama’t walang expansion na nakikita sa lalong madaling panahon.

Positibo si Luis na pagpasok ng second quarter ng 2021 ay makababangon at makababalik na sa normal ang lagay ng pagnenegosyo sa bansa maliban sa sektor ng turismo.

Matapos, aniya, ang ilang buwang community quarantine na ipinatupad ng pamahalaan ang Filipinas ay nasa road to recovery na ang bansa at nagsisimula nang magbukas ang mga negosyo.

Ayon pa sa ECOP,  ngayong nagbubukas na ang mga negosyo sa buong bansa, kailangang magsagawa ng mga panibagong hakbang, lalo na sa mga lugar na pinagtatrabahuhan upang matiyak na walang nang susunod na lockdown, na magiging sagabal sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ilan sa mga isinusulong ng ECOP na mga pagbabago sa larangan ng paggawa ang staggered work shifts, kung saan ang mga manggagawa ay papayagang magpatupad ng work shift schedules simula halimbawa sa alas-7 ng umaga, alas-8 ng umaga o alas-9 ng umaga.

“That would eventually help spread rush hours over more hours, ease public transport demand and road congestion, and enable more workers to communicate to the workplace and back home in less time. With this in place, commuters are afforded more convenience and safety as they spend less time in public spaces and long crowded queues to get a ride.

“As such, we strongly encourage our members, industry associations and the Philippine employers as a whole, to implement this measure to the farthest extent as soon as possible in order for us to win the fight against the said virus. We also encourage you to find ways to help smaller companies participate in this vital initiative. However, please note that this is voluntary in nature, and not mandated by law,” sabi ng ECOP. VERLIN RUIZ

Comments are closed.