INAASAHAN ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong holiday seasons.
Ayon sa statistical analysis ng Department of Transportation (DOTr), papalo sa 130,000 hanggang 140 ,000 pasahero kada araw ang inaasahan na dadagsa sa mga paliparan upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan.
Sa kabila nito nakahanda naman aniya ang mga kawani ng MIAA sa posibleng pagtaas ng volume ng mga pasahero sa darating na buwan ng Disyembre.
Samantala, ikinatuwa naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang matagumpay na Oplan Biyaheng Ayos ng MIAA nitong nakaraang Barangay at Sanguniang Kabataan Election at Undas 2023.
Umabot sa 1.2 milyon ang pasahero sa NAIA nitong nakalipas na Araw ng mga Patay, at 8,000 flights ang naitala.
At sa kabila ng malaking volume ng mga pasahero naabot pa rin ng MIAA ang tinaatayang 84 percent rating na On-Time performance o OTP.
Ngayong Kapaskuhan ay sisikapin ng MIAA na maabot ang pinakamataas na OTP O tamang oras ng pag-alis at paglapag ng mga eroplano sa NAIA. FROILAN MORALLOS