(Inaasahan ngayong taon) 8.21M FOREIGN TOURIST ARRIVALS

INAASAHANG mababawi ng Pilipinas ang pre-pandemic level nito ng foreign visitors, kung saan tinatayang aabot ang arrivals sa 8.21 million sa pagtatapos ng 2024, ayon sa Fitch Solutions unit BMI.

Sa isang industry trend analysis na may petsang Enero  31, sinabi ng BMI na ang full recovery ng sektor ay maaaring itutulak ng tumataas na arrivals mula sa key source markets sa Asia, Europe at North America, pangunahin ang  United States.

We retain our view that the Philippines’ tourist arrival levels will fully recover to their pre-pandemic levels in 2024, after the country recorded a strong 2023 with over 5 million tourists arriving over the full year,” ayon sa BMI.

Sa pagtaya ng Fitch Solutions subsidiary, ang arrivals ay tataas ng 64 percent year-on-year ngayong 2024 sa  8.21 million, mas mataas sa arrivals noong 2019 na 8.19 million.

Sinabi pa nito na ang arrivals ay patuloy na tataas mula 2024 hanggang 2028 sa harap ng medyo abot-kayang tourism offerings ng bansa, low level entry requirements at malakas na transport links.

We forecast the country’s arrivals to continue to increase over the remainder of our 2024-2028 forecast, reaching a projected 9.5 million arrivals in 2028. This represents an average annual growth rate of 15.8% y-o-y (year-on-year) over 2024-2028,” ayon pa sa BMI.

Samantala, sinabi ng BMI na may short-term risks sa kanilang pagtaya sa gitna ng umigting na consumer inflation sa  key source markets ng Pilipinas subalit inaasahang mananatili ang bansa na isang kaakit-akit na post-pandemic destination sa mga turista.

Ang inflationary pressures ay inaasahang babagal sa 2024 subalit mananatiling price sensitive ang mga consumer ng panandalian.

[T]his is likely to be reflected in increased travel to domestic and short haul destinations, a trade down from long-haul international destinations, which have a higher price point,” anang BMI.

Nevertheless, the Philippines is a relatively affordable travel destination, and we expect it to particularly benefit from strong regional arrivals due to its proximity and strong transport links with its key Asia source markets,” dagdag pa nito.

Ang bansa ay nakapagtala ng mahigit sa 5 million foreign visitors noong nakaraang taon, mas mataas ng bahagya sa pagtaya ng BMI na 4.9 million para sa 2023.

Ngayong taon, target ng DOT ang 7.7 million international arrivals.         

(PNA)