UMAASA si Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente sa panibagong record-high bilateral trade sa pagitan ng dalawang bansa ngayong taon.
Sinabi ni Clemente sa Philippine News Agency (PNA) noong Martes na ang bilateral trade sa pagitan ng Italy at ng Pilipinas noong 2022 ay umabot sa EUR1.24 billion, nalagpasan ang halaga ng kalakalan noong bago pumutok ang pandemya.
Noong 2019, ang two-way trade ay umabot sa EUR1.09 billion.
“Bilateral trade ties between Italy and the Philippines have never been better,” aniya.
Year-on-year, ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay tumaas ng 23.9 percent, kung saan ang Italian exports sa Pilipinas ay tumaas ng 21.5 percent habang ang Philippine exports sa Italy ay umakyat ng 29.1 percent.
“Trade is still skewed toward Italy. We have trade surplus of EUR360 million, but the previous figures clearly show that the Philippines is catching up,” sabi ni Clemente.
Sa pagluwag sa COVID-19, restriction, kumpiyansa ang Italian envoy sa mas malakas na kalakalan ngayong taon.
“I can sense the increased interest of the Italian business community,” dagdag pa niya.
PNA