TARGET ng Philippine automotive industry na makapagbenta ng hanggang 500,000 vehicle units ngayong 2024 sa harap ng international motor show na nakatakda sa second half ng taon.
Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI), umaasa itong lalago ang benta ng 9% sa 468,300 units ngayong taon mula sa 429,807 units na naibenta noong 2023.
Maaari pa itong tumaas sa 500,000 units dahil ang CAMPI ay magiging host sa Philippine International Motor Show (PIMS) na gaganapin ngayong taon.
“We are starting off 2024 with positive business and consumer confidence outlook,” wika ni CAMPI president Atty. Rommel Gutierrez.
“We see new model introductions and the expansion of electrified vehicle line-up, especially in the hybrid electric vehicle segment, and more brands coming into the market,” dagdag pa niya.
Sa joint report ng CAMPI at ng Truck Manufacturers Association (TMA), ang total new motor vehicle sales ay pumalo sa 34,060 units noong Enero..
Mas mataas ito ng 15.5% kumpara sa 29,499 units na naibenta sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, subalit mas mababa sa 39,153 units na naibenta noong Disyembre 2023.
Ang monthly declines ay naitala sa unit sales ng passenger cars sa 8,446; commercial vehicles sa 25,614; Asian utility vehicles sa 5,892; light commercial vehicles sa 18,965; light-duty trucks and buses sa 412; at medium-duty trucks and buses sa 282.
Gayunman, ang benta ng heavy-duty trucks and buses ay nagtala ng 16.7% pagtaas sa 63 mula 54 units na naibenta noong Disyembre 2023, at mas mataas ng 43.2% kumpara sa 44 units na naibenta noong Enero.