(Inaasahan sa kalagitnaan ng Enero)BAWAS-PRESYO SA SIBUYAS

INAASAHAN ng Department of Agriculture(DA) ang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng Enero 2023 sa gitna ng pag- sisikap na magkaroon ng sapat na suplay sa merkado at ng pagdami ng ani.

“By middle of January, dadami ang harvest. Definitely, mag-iiba na naman ‘yung price points natin kaya we will revisit ‘yung SRP (suggested retail price) baka bumababa pa pong ang presyo,”wika ni DA Undersecretary Kristine Evangelista.

Ayon kay Evangelista, ang presyo ng sibuyas sa kasalukuyan ay nananatiling mataas sa P550 kada kilo.

Aniya, mula P170 kada kilo noong Oktubre, ang SRP ng sibuyas ay itinaas sa P250 kada kilo dahil sa mas mataas na halaga ng produksiyon, logistics, at retailing.

Kukuha rin ang DA ng mga supplier na magdadala ng sibuyas sa mga palengke. Dahil ang ahensiya ang sasagot sa ilan sa mga gastusin, sinabi ni Evangelista na ang mga sibuyas ay ipagbibili sa mas murang halaga.

Makikipag-ugnayan din, aniya, ang DA sa Department of Trade and Industry, gayundin sa Price Coordinating Council para rito