MAY inaasahang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng Mayo.
Ayon sa industry sources, nasa P4 hanggang P5 kada kilo ang ibababa ng contract price ng LPG.
Katumbas ito ng P44 hanggang P55 na rolbak sa presyo ng kada 11 kilong tangke.
Subalit maaari pa umano itong magbago habang papalapit ang dulo ng Abril.
Samantala, may malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng mula P3.90 hanggang P4.10 kada litro, habang ang gasolina ay posibleng magkaroon ng P3.00 hanggang 3.20 kada litro na taas-presyo.
Matapos ang rolbak, dalawang linggo na ang nakalilipas, ang mga kompanya ng langis ay nagpatupad ng price hike noong nakaraang linggo— P0.45 sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa gasolina at P1.70 kada litro sa diesel.
Ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng kabuuang P15.45; diesel ng P27.35; at kerosene ng P21.55.