(Inaasahan sa mga susunod na linggo) PRICE HIKE SA AGRI-FISHERY PRODUCTS

INAASAHAN ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produktong agrikultural sa merkado sa susunod na linggo bunsod ng walang humpay na pagmahal ng petrolyo.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikutlra, magsisimulang maramdaman ang pagtaas ng presyo ng agri-fishery products sa ikatlong linggo ng Pebrero hanggang unang linggo ng Marso.

Nagsimula na umanong tumaas ang farm gate price ng naturang mga produkto bagaman wala pang paggalaw sa ngayon ang presyo ng mga produkto, tulad ng gulay, isda at karneng baboy.

Inaasahan na rin ng Department of Agriculture (DA) ang pagsipa  ng presyo ng naturang mga produkto.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng DA ang cost structure para mabantayan kung tugma ang presyo sa merkado at hindi mananamantala ang mga negosyante.