(Inaasahan sa mga susunod na linggo)BAWAS-PRESYO SA MGA GULAY

gulay

POSIBLENG magsimula nang bumaba ang presyo ng mga gulay sa mga susunod na linggo.

Ito, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag), ay dahil magsisimula na ang anihan ng sibuyas sa ikalawang linggo ng Enero kasabay ng inaasahang pagmura ng fertilizer.

Inihayag ni Sinag Chairman Rosendo So na malaki ang impluwensiya ng international commodity prices sa lokal na presyo ng fertilizer kaya maaaring magmura na ang mga gulay.

Mula, aniya, sa P2,500 noong nakaraang taon, sumadsad na sa P800 ang kada 50-kilo ng bag ng pataba.

Idinagdag ni So na maaaring sa Pebrero o Marso ay maramdaman na ang murang gulay, kabilang ang sibuyas.

Nito lamang Disyembre ay sumirit sa 8.1% ang inflation rate, na pinakamataas simula noong Pebrero 1999, dahil sa mas mahal na pagkain kabilang ang mga gulay, lalo ang sibuyas.

DWIZ 882