(Inaasahan sa mid-2023)BAWAS-PRESYO SA BILIHIN

INFLATION

INAASAHAN ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa kalagitnaan ng taon at ang pagbagal ng inflation sa pagtatapos ng 2023, ayon kay Private Sector Advisory Council (PSAC) jobs group lead at Go Negosyo founder Joey Concepcion

Sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni Concepcion na ang supply chain disruptions sa global market ay nananatiling salik na nakaaapekto sa presyo ng mga bilihin hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang merkado.

“I expect by middle of this year, we see lower prices, hopefully, lower—we’re seeing oil prices go down, We’re seeing wheat prices go down. Hopefully, sugar and the rest will all go down,” sabi ni Concepcion.

Aniya, ang pagtataas ng interest rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nakatulong para mapigilan ang pagbilis pa ng inflation rate.

Sinabi ni Concepcion na ang pagpapabagal sa inflation rate ay makatutulong din sa paglago ng ekonomiya ngayong taon.

Ang inflation noong 2022 ay nasa 5.8 percent, pasok pa rin sa target ng pamahalaan, subalit naitala ang December 2022 inflation sa 14-year high nito sa 8.1 percent.

Sa kabila ng mataas na inflation, sinabi ni Concepcion na nananatiling malakas ang domestic demand para suportahan ang ekonomiya.

“We can see demand coming back, growth coming back,” dagdag pa niya.

PNA