(Inaasahan sa pinalakas na PH-Czech Republic economic, business ties) TRABAHO PA SA MGA PINOY

TIWALA ang Czech Republic na marami pang job opportunities ang mabubuksan para sa mga Pinoy ngayong nagkasundo ang Czech Republic at Pilipinas na palakasin ang kanilang economic at business ties.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Czech Ambassador Jana Šedivá na may job opportunities na para sa ilang technical skills at expertise sa Central European country.

“We have a special program for working experts and we issue 2,000 visas every year, and this is for concrete professions like electricians and technicians,” ayon sa envoy.

Sinabi pa ni Šedivá na tinatalakay na ngayon ng kanilang pamahalaan ang mga plano na dagdagan ang bilang ng visas na iniisyu sa mga professional.

“It’s going to go up every year. So, there can be 5,000 working visas for experts in 2024 and now it’s being discussed in our countries,” dagdag pa niya.

Bukod sa job opportunities, ang Czech Republic ay nagpahayag din ng kahandaan na ibahagi ang kanilang kadalubhasaan sa mga larangan ng agricultura, seguridad sa pagkain at maging sa milk processing technology.

“Concrete cooperation between our companies and experts; we want to let Filipinos know about what we can offer,” aniya.

Ang transportation ay isa pang larangan na maaaring magkasamang i-explore ng Manila at Prague, kung saan binigyang-diin ng Czech ambassador ang kanilang episyenteng transport system.

“We are also very good in transportation and you know in smart cities. We have subways, trains and buses for instance, and maybe our know-how can be offered not only in Manila but also for Davao and Cebu,” dagdag ng envoy.

Ang Czech Embassy sa Manila ay nagdaos kamakailan ng book launch na naglalarawan sa matagal nang pagkakaibigan ng dalawang bansa.