(Inaasahan sa Q4) 50% CAPACITY SA DINE-IN SERVICES

HINILING ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagpapahintulot sa 50% capacity para sa personal care at dine-in services para sa restaurants na limitado sa mga bakunado o fully vaccinated individuals sa huling quarter ng 2021.

Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Concepcion na ginawa niya ang kahilingan dahil hindi kikita ang mga establisimiyento kapag nanatili sila sa pag-o-operate sa 10%.

“Eventually, sana sa fourth quarter natin, bandang October, November, at December, at least  sa tingin ko by 50% at that time,” ani Concepcion nang tanungin hinggil sa pagtataas sa capacity ng dine-in services at personal care services sa 30%.

“Ang lumalabas dito fully vaccinated lang naman. Puwede pa ‘yan (capacity) itaas pa,” dagdag pa niya.

Para masiguro na hindi magkakaroon ng surge ng COVID-19 cases, ang mga restaurant ay maaari aniyang magbukas ng mas maraming bintana para sa mas magandang bentilasyon.

Sa ilalim ng Alert Level 4, ang outdoor o al fresco dining services sa restaurants ay eateries ay papayagang mag-operate sa maximum na 30% venue/seating capacity anuman ang vaccination status.

Subalit ang indoor dining o dine-in services ay maaaring mag-operate sa limitadong 10% venue/seating capacity subalit para lamang sa mga bakunado o fully vaccinated kontra COVID-19.

Ang National Capital Region ay isinailalim sa Alert Level 4 simulac September 16.

5 thoughts on “(Inaasahan sa Q4) 50% CAPACITY SA DINE-IN SERVICES”

  1. First of all, thank you for your post. bitcoincasino Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^

Comments are closed.