MAY panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng diesel ay tinatayang tataas ng P1.10 hanggang P1.20 kada litro.
Posible namang tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.00 hanggang P1.10 kada litro.
Ito na ang ika-6 na sunod na linggo na may dagdag-presyo sa petrolyo.
Noong nakaraang Martes, ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay tumaas ng P0.75, habang ang kerosene ay may dagdag-presyo na P0.45 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Enero 25, 2022, ang year-to-date adjustments ay may total net increase na P4.95 kada litro para sa gasolina, P7.20 kada kitro sa diesel, at P6.75 kada litro para sa kerosene.