(Inaasahan sa susunod na linggo) DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

petrolyo

MAY inaasahang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula sa Martes, Mayo 24.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P2.00 hanggang P2.20.

Posible naman ang P3.80 hanggang P4.00 kada litrong taas-presyo sa gasolina.

Noong nakaraang linggo,  ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1, diesel ng P0.35 at  kerosene ng ₱3.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P22.00, diesel ng P34.50 at kerosene ng P29.75.