(Inaasahan sa susunod na linggo) DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO

MAY malakihang pagbaba sa presyo ng gasolina na inaasahan sa susunod na linggo, habang price hike naman sa diesel.

Sa pagtaya ng Unioil, ang presyo ng gasolina ay posi- bleng bumaba ng ₱1.80 hanggang ₱2 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng P0.20 hanggang P0.40 kada litro.

Ayon naman sa ibang industry sources, nasa ₱2.10 hanggang ₱2.50 kada litro ang inaasahang price cut sa gasolina, at nasa P0.10 hanggang P0.50 kada litro ang taas-presyo sa diesel.

Samantala, ang presyo ng kerosene ay posibleng bumaba ng P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Noong Martes, Setyembre 26, ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay bumaba ng P0.20 habang nasa P0.50 kada litro naman ang rolbak sa presyo ng kerosene.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabu- kasan.

Sa datos ng DOE, hanggang Setyembre 26, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P17. 30 kada litro, diesel ng P13.40 at kerosene ng P9.44 kada litro.