(Inaasahan sa susunod na linggo) OIL PRICE HIKE NA NAMAN

PETROLYO

MAY inaasahang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay posibleng tumaas ng P0.80 hanggang P1, habang ang presyo ng diesel ay maaaring madagdagan ng P0.10 hanggang P0.20 kada litro. at kerosene ng P0.50 hanggang P0.70 kada litro.

Ito na ang ika-6 sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng gasolina, at ika-7 na sunod para sa diesel at kerosene.

Noong nakaraang Martes, Agosto 15, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.90, diesel ng P1.50, at kerosene ng P2.50.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Ayon sa mga eksperto, ang price hike ay dahil sa economic losses sa China bukod pa sa planong pagbabawas ng oil production ng ilan sa pinakamalalaking players. Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agosto 15, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P13.40 kada litro, diesel ng P8.60, at kerosene ng P5.14 kada litro.