PHOTO COURTESY OF CNN PHILIPPINES
NAMUMURO ang panibagong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang presyo ng gasolina ay posibleng bumaba ng mula P0.60 hanggang P0.90 kada litro.
Nasa P0.50 hanggang P0.80 kada litro naman ang inaasahang bawas sa presyo ng diesel at P0.50 hanggang P0.70 kada litro sa kerosene.
Noong nakaraang Martes, Nobyembre 14, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.70, diesel ng P3, at kerosene ng P2.30
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa datos ng DOE, hanggang Nobyembre 14, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P13.05 kada litro, diesel ng P6.35 at kerosene ng P1.69 kada litro.
LIZA SORIANO