MATAPOS ang serye ng rolbak ay inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang presyo ng kada litro ng diesel ay magkakaroon ng dagdag na P1.30 hanggang P1.40, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng mula P1.40 hanggang P1.50 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Bago ang inaasahang pagtaas, ang presyo ng petrolyo ay bumaba ng limang sunod na linggo.
Ngayong taon, ang total net increase ng kada litro ng gasolina ay nasa P18.10 habang sa diesel ay P15.70 kada litro.