MAY panibagong rolbak na inaasahan sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ika-3 sunod na linggo na magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng petrolyo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, nasa P0.85 hanggang P1.10 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina.
Mula P1.20 hanggang P1.30 kada litro naman ang inaasahang magiging tapyas sa presyo ng diesel, at P1.30 hanggang P1.40 kada litro sa kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong Martes, Nobyembre 16, ay bumaba ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.90 at kerosene ng P0.10.