MATAPOS ang tatlong magkakasunod na linggo na price hike ay inaasahan ang kakarampot na rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang presyo ng gasolina ay bababa ng P0.20 hanggang P0.25 kada litro.
Nasa P0.05 hanggang P0.10 kada litro naman ang itatapyas sa presyo ng diesel, habang P0.05 hanggang P0.10 kada litro sa kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment araw ng Lunes na ipinatutupad kinabukasan.
Mula Enero 1 hanggang Enero 23, ang itinaas ng presyo ng gasolina ay nasa P2.30 kada litro; diesel, P1.65 kada litro; at kerosene, P1.60 kada litro.
Comments are closed.