(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

petrolyo

MATAPOS ang ilang linggong magkakasunod na pagtaas, inaasahan ang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa papasok na linggo.

Sa fuel price forecast nito para sa March 9-15 trading week, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng mula P0.40 hanggang P0.50.

Nasa P0.10 kada litro naman ang inaasahang rolbak sa presyo ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng pump price adjustments tuwing Lunes na ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, March 2, ay tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.00 kada litro at diesel ng P0.85 kada litro.

Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng kada litro ng gasolina sa kasalukuyan ay nasa pagitan ng P45.00 at P65.11, habang ang diesel ay mula P34.95 hanggang P48.75 kada litro.

One thought on “(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO”

  1. 847625 841631Hello there, just became alert to your blog by means of Google, and identified that it is really informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful should you continue this in future. A lot of folks is going to be benefited from your writing. Cheers! 197113

Comments are closed.