(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

MATAPOS ang ilang linggong sunod-sunod na pagtataas ay may rolbak na inaasahan sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang gasolina ay may P1.10 hanggang P1.20 kada litrong bawas-presyo.

Nasa P0.60 hanggang P0.70 kada litro naman ang inaasahang tapyas sa presyo ng diesel, at P0.65 hanggang P0.75 sa kerosene.

Bago ito ay nagkaroon ng 10 sunod-sunod na linggong taas-presyo sa gasolina.

Ito naman ang ika-2 sunod na linggong may bawas sa presyo ng diesel at kerosene.

Noong  Nobyembre  2 ay tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.10 hanggang P1.15 kada litro, habang ang diesel ay may rolbak na P0.35 hanggang P0.40 kada litro at diesel ng P0.35 kada litro.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na  kanilang ipinatutupad kinabukasan.