MAKARAAN ang 11 sunod na linggo ng hikes, makaaasa ang mga motorista ng bahagyang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines Inc., ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng ₱0.20 hanggang ₱0.40.
Nasa ₱0.15 hanggang ₱0.35 kada litro naman ang inaasahang tapyas sa gasolina.
Noong nakaraang Martes, Setyembre 19, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P2.00, diesel ng P2.50, at kerosene ng P2.00.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Setyembre 19, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P17.50 kada litro, diesel ng P13.60 at kerosene ng P9.94 kada litro.