(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK ULIT SA PRESYO NG PETROLYO

Petrolyo

MAY panibagong bawas-presyo sa produktong petrolyo na inaasahan simula sa Martes, Nobyembre 30.

Ayon sa mga taga-industriya, tinatayang nasa P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang rolbak sa presyo ng gasolina.

Nasa P0.60 hanggang P0.70 kada litro naman ang bawas-presyo sa diesel, habang sa kerosene ay mula P0.50 hanggang P0.60 kada litro.

Ang mga kompanya ng langis ay karanwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na may pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Noong nakaraang Martes, Nobyembre 23,  ang presyo ng gasolina ay bumaba ng P0.85 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay may bawas na P1.20 kada litro.

Nasa P1.30 kada litro naman ang rolbak sa ­presyo ng kerosene.