(Inaasahan sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

petrolyo

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga taga-industriya, nasa P0.30  hanggang P0.40 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, P0.25 hanggang P0.35 kada litro sa diesel, at P0.10 hanggang P0.20 kada litro sa kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Noong nakaraang Martes, Setyembre 7, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.50, diesel ng P0.95 at kerosene nc P0.60.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipina-tutupad kinabukasan.

5 thoughts on “(Inaasahan sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO”

  1. 847786 404482Hey there! This is my 1st comment here so I just wanted to give a quick shout out and tell you I really enjoy reading through your blog posts. Can you suggest any other blogs/websites/forums that cover the same topics? Thanks! 714163

Leave a Reply

Your email address will not be published.