(Inaasahan sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

PETROLYO

NAKAAMBA ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.80 hanggang P0.90 naman kada litro ang inaasahang price hike sa diesel, habang P0.90 hanggang P1 ang sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ika-5 sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Noong nakaraang Martes, Setyembre 21, ay nagkaroon ng P0.80 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel, at P0.85 sa kerosene.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment araw ng Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

4 thoughts on “(Inaasahan sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO”

  1. 625290 961584You developed some decent points there. I looked on the net for any difficulty and located most individuals goes along with together with your website. 164433

Comments are closed.