(Inaasahan sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO SA GASOLINA

GASOLINA

MAGKAKAROON ng pagtataas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo, ayon sa oil industry sources.

“Based on our forecast diesel should have no movement, while gasoline should increase by P0.20 [per liter],” pahayag ng Unioil.

Ayon naman sa isa pang source sa oil industry, maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng P0.22 per liter, habang  posibleng bumaba ang ­presyo ng diesel ng  P0.02 per liter lamang.

Karaniwang nag-aanunsiyo ang mga kompanya ng langis ng price adjustment tuwing Lunes, na ipinatutupad ng Martes.

Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina ay naglalaro sa P44.25 hanggang P56.19 per liter, habang ang diesel prices ay nasa P39 hanggang P4.08 per liter.

“Year-to-date adjustments stand at a net increase of P5.61 per liter for gasoline, P4.22 per liter for diesel,” ayon sa DOE.

Noong nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga oil firm ng  P1 rollbak sa bawat litro ng diesel at P0.80 sa bawat litro ng gasolina.

Comments are closed.