(Inaasahan sa susunod na linggo) TAPYAS SA PRESYO NG PETROLYO

petrolyo

MAY rolbak na inaasahan sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba ng P2.90 hanggang P3.00  kada litro at gasolina ng P0.40 hanggang P0.60 kada litro

Ang rolbak ay ipatutupad matapos ang big-time hike noong nakaraang Martes kung saan ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay tumaas ng P4.20, habang ang kerosene ay P5.85.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy ( DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P17.80, diesel ng P30.30 at kerosene ng P23.90.