SA ikalawang sunod na linggo ay may inaasahang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P1.20 hanggang P1.40 habang ang gasolina ay P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilajg ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, September 6, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.60, diesel ng P1.55, at kerosene ng P1.60.
Ayon sa Department of Energy (DOE), hanggang August 30, ang net price increases buhat nang magsimula ang taon para sa gasolina, diesel at kerosene ay nasa P19.55, P37.80 at P33.20 kada litro, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa datos ng DOE, hanggang September 6-8, 2022, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay naglalaro sa P63.75 hanggang P73.55 kada litro sa Quezon City; diesel, P77.20 hanggang P81.95 sa Makati City; at kerosene, P82.11 hanggang P93.45 kada litro.