(Inaasahan sa susunod na linggo)BAWAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

OIL PRICE HIKE-2

MAY panibagong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Tinukoy ang oil trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang oil industry source sa GMA News Online na ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P1.80 hanggang P2.00.

Nasa P0.30 hanggang P0.60 kada litro naman ang maaaring tapyas sa presyo ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Agosto 9, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.10, diesel ng P2.20, at kerosene ng P2.55.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agosto 2, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net increase na P19.65 kada litro para sa gasolina, P32.35 kada litro sa diesel, at P27.30 kada litro para sa kerosene.