Ayon sa industry source, posibleng matapyasan ng P6.30 hanggang P6.50 kada litro ang presyo ng diesel.
Nasa P5.70 hanggang P5.90 kada litro naman ang maaaring rolbak sa presyo ng gasolina.
Kinumpirma ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ang posibleng big-time oil price rollback.
Ayon kay Abad, ang presyo ng petrolyo ay maaaring bumaba ng mula P4 hanggang P6 kada litro.
Tinukoy ng energy official ang lockdown sa Shanghai, China; interest hikes sa iba’t ibang bansa; at ang banta ng recession na makaaapekto sa demand sa langis na mga dahilan sa inaasahang rolbak.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Noong nakaraang Martes, Hulyo 5, ang mga kompanya ng langis ay nagpatupad ng P3 rolbak sa presyo ng kada litro ng diesel at P3.40 sa diesel
Sa monitoring ng DOE, ang presyo sa Metro Manila ay naglalaro sa P76.45 kada litro (Caloocan City) hanggang P98.40 kada litro (Muntinlupa City) para sa gasolina; mula P83.20 kada litro (Quezon City) hanggang P98.00 kada litro (Pasay City); at mula P89.74 kada litro (Manila) hanggang P99.14 kada litro (Taguig City) para sa kerosene hanggang noong Hunyo 30, 2022.