MAY inaasahang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry sources, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P0.30 hanggang P0.50.
Posible namang tumaas ang presyo ng gasolina ng P0.10 hanggang P0.30 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Disyembre 20, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.70, diesel ng P2.90, at kerosene ng P1.65.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P13.95, diesel ng P27.50 at kerosene ng P20.80.