POSIBLENG bumaba ang presyo ng bigas simula sa susunod na buwan, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Sinabi ni Laurel sa sidelines ng Horticulture and Urban Agriculture Summit sa Makati City na bumaba ang presyo ng bigas sa international market sa nakalipas na dalawang linggo.
“The reality is it’s declining up until last week at USD590 per ton but unfortunately, this week it went up to USD630 per ton,” aniya.
Gayunman, inaasahan, aniya. ang muling pagbaba ng presyo simula sa Hunyo.
“On average, I think prices should be lower by next month ng kaunti pero ang prediction din namin by second half pababa ang presyo sana ng rice sa international market,” sabi ni Laurel.
“If world prices go down, definitely, local prices will go down also,” dagdag pa niya.
Samantala, kumpiyansa si Laurel na tataas ang produksiyon ng palat sa susunod na anihan.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumitaw na ang produksiyon ng palay ay bahagyang bumaba sa 4.68 million metric tons sa first quarter ng taon mula 4.77 million tons noong nakaraang taon.
“El Niño really had its effect. Padating na ‘yung ulan and sana walang malakas na bagyo. Kung walang malakas na bagyo, babawi tayo but of course darating ang La Niña. Sana hindi ganun kalakas then we should be okay,” sabi pa ng kalihim.
(PNA)