(Inaasahang ilalabas ng DA)P85/K SRP SA ASUKAL

INAASAHANG ilalabas ng Department of Agriculture (DA) at ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa mga susunod na araw ang suggested retail price (SRP) para sa asukal sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng asukal.

“Tuloy-tuloy ang meeting with the SRA officials, para ma-control ang price, kasi ang objective is to make the sugar available in the market and make sure tama presyo,” wika ni DA Undersecretary Kristine Evangelista.

Sa monitoring ng SRA, ang presyo ng asukal sa isang supermarket ay umabot sa P134 kada kilo.

“So ang pakikipag-usap namin is a first of a series and will come up with a price that is amenable to all our stakeholders. Ito ay pinangunganahan ng ating SRA,” dagdag ni Evangelista.

Umaasa ang industry sources na itatakda ang SRP sa asukal sa P85 kada kilo dahil nagsimula nang dumating ang imports sa ilalim ng Sugar Order No. 2.

Nagsimula na rin umano ang sugar production ng local millers.

Ang nalalabing inangkat na asukal ay inaasahang darating bago ang November 15.

“Landed cost po ang ating tinitignan. At the same time alam din po natin na ang ating mga millers po ay nag-umpisa na. Meron na rin po tayong local sugar,” ani Evangelista.