(Inaasahang maisasabatas na)PAGBURA SA UTANG NG MGA MAGSASAKA

farmers

UMAASA si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Rector na sa lalong madaling panahon ay malalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ganap na maging batas ang House Bill (HB) No. 6336, o ang New Agrarian Emancipation Act,

Ayon kay Recto, maituturing ito bilang unang social legislation ng administrasyong Marcos kung saan nasa 610,000 magsasaka ang malilibre sa pagbabayad ng kanilang utang mula sa pagtanggap nila ng kanilang agrarian reform lands.

“This is emancipation of massive scale, from the number of beneficiaries, to the amount to be condoned. The impact will also be huge. It financially emancipates the farmers while freeing resources that can be used to achieve food security,” pagbibigay-diin pa ng House Deputy Speaker.

Sinabi ni Recto na sa kabuuan, nasa P57.5 billion na loans ng mga agrarian reform beneficiary ang maisasantabi na lamang kung saan katumbas nito ang average na P49,000 per hectare o kaya’y average na pagkakalibre mula sa utang na P94,000 ng bawat magsasaka.

“Iyang P49,000 na iyan para sa isang produktibong ektarya ng lupa na magpapakain ng maraming tao ay katumbas lang ng binibigay natin sa tatlong 4Ps beneficiaries sa isang taon,” ani Recto.

“On the other hand, every farmer who qualifies will get an average debt relief of P94,000. Ang halagang ‘yan, sa maraming state universities ngayon, ang syang ginagastos natin para sa isang estudyante sa ilalim ng Free College Law,” dagdag pa niya.

Binanggit pa ng mambabatas ang pagbibigay ng gobyerno ng tax relief sa mga malalaking negosyo kaya naman dapat din umanong mas tulungan ng estado ang mga magsasaka, na magagawa ng administrasyong Marcos sa pagpirma ng Punong Ehekutibo sa nasabing panukalang batas.

“If corporations and high-income individuals have gotten tax breaks from recent laws slashing income tax rates, then why should not farmers get the same reprieve involving far smaller amounts?” aniya.

ROMER R. BUTUYAN