(Inaasahang maiuuwi mula sa Vietnam trip ni PBBM) TRABAHO PA PARA SA MGA PINOY

UMAASA ang pamahalaan na makapag-uwi ng marami pang trabaho matapos ang two-day state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Vietnam, ayon sa isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni DTI Undersecretary Maria Blanca Kim Bernardo-Lokin sa ANC na pangunahing nakatuon ang pagbisita sa paglagda ng rice deal sa Vietnam.

In terms of food security, it is the aim of President Bongbong Marcos to be able to modernize agriculture, to be able to bring in partners that could help us in modernizing agriculture, and at the same time see to it that our goals for the 8-point socio economic agenda are met,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Lokin  na umaasa silang makausap din ang mga investor sa iba pang mga sektor.

We are always looking for new industries that we can leverage on, that we can tap, we can bring into the Philippines,” ani Lokin. Tinukoy niya ang semiconductors bilang number 1 export ng bansa, gayundin ang information technology-business process management  industry.

We have lined up businesses that we think will be able to help us secure our position in the global value chain, and that would bring us a higher level of service and higher level of jobs to the Philippines,” dagdag pa niya.