(Inaasahang malilikha sa ilalim ng Marcos admin)TRABAHO PA MORE

trabaho

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Martes na pumalo sa 6.1 percent ang inflation noong Hunyo sa likod ng patuloy na pagsipa ng presyo ng pagkain at langis.

“Ang importante kasi e employment. Dapat lahat may trabaho,” sabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis.

Aniya, mayroon silang proyekto na naglalayong lumikha ng isang milyong trabaho, katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI).

Sa datos ng PSA, may 2.76 million Filipinos ang walang trabaho noong Abril kung saan bumaba ang unemployment rate sa 5.7 percent sa naturang buwan.

Samantala, hinimok ng ECOP ang pamahalaan na buksan pa ang ekonomiya at tulungan pa ang maliliit na industriya.