PANIBAGONG pag-taas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahang sasalubong sa Marso.
Ito na ang ika-5 sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng gasolina at ika-4 na linggo sa diesel at kerosene.
Ayon sa mga taga-industriya, posibleng tumaas ng P0.95 hanggang P1.05 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Inaasahan namang tataas ng P0.70 hanggang P0.80 ang presyo ng kada litro ng diesel, at P0.6 hanggang P0.70 sa kada litro ng kerosene.
Nagbabadya ang price hike dahil sa pagtaas ng ng demand ng langis kasunod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad sa susunod na araw.
Noong Pebrero ay umabot sa P3.30 ang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel, P3.05 sa gasolina, at P2.85 sa kerosene.
Comments are closed.