(Inabandona ang puwesto) POLICE OFFICIAL, 4 PA NAKI-PARTY SIBAK

Emma M. Libunao

BULACAN –  SINIBAK sa puwesto ang  commander ng police community precinct sa Barangay Turo, Bocaue makaraang abandonahin ang kanilang tour of duty para lamang dumalo sa isang party.

Sa report na ipinadala ni Acting PNP Provincial Director Col. Emma Libunao, kinilala ang ni-relieve na opisyal na si Capt. Norheda Usman, 3rd platoon leader ng 1st Provincial Mobile Force Company.

Kasama rin sa sinibak sina Master Sgt. Siegfried Dizon, Staff Sgt. Benjamin Villasis Jr., Patrolman Ronald Manzanade Jr., at Patrolwoman Imee Sheryl Florentino.

Nabatid na ang police community prescinct na binabantayan ni Usman ay nasa sentro ng fireworks capital area sa bansa.

Kung saan naka-high alert status dahil sa ina­asahang pagdagsa ng mga mamimili ng fireworks at pyrotechnic products para gamitin sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Libunao, kailangan ng mahigpit na pagbabantay sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga consumers at ng mga tindahan

Aniya, mahigpit din na ipatutupad ang nakasaad sa Republic Act 7183  na Firecracker Law.

Sa bilang na 124 fireworks dealers,  65 sa kanila ay matatagpuan sa bayan ng Bocaue.

Samantala, papalit sa iniwang puwesto ni Usman si P/Capt. Michael Udal bilang bagong police community commander. THONY ARCENAL

Comments are closed.