INABUSONG OFWs UMABOT NA SA 5K

AABOT sa 5,000 na Overseas Filipino Workers (OFW) ang biktima ng pangmamaltrato nitong 2020.

Sa inilabas na datos ni Senate Committee on Labor chairman Joel Villanueva mula sa Philippine Overseas Labor Offices (POLO), tinatayang 4,302 ang nangyaring pang-aabuso sa Middle East.

Samantala, nasa 593 ang nangyaring pang-aabuso sa Asya at 86 ang sa Europa at Amerika.

Ayon din sa POLO, nasa 23,714 ang contract violations sa mga OFW sa mga bansa sa Middle East.

“Yung passport confiscation, hanggang ngayon sa Lebanon, buhay na buhay po ‘yan. The employer has the right to confiscate the passport or identification card of their migrant worker,” pahayag ni Villanueva.

Ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na ginagawan na nila paraan para ayusin ang naturang isyu sa Middle East subalit hindi pa rin maiiwasan ang mga pang-aabuso.

“We should really endeavor to limit our deployment up to a certain date to only skilled workers, otherwise, no matter what we do, we would always have abuses,”ani Arriola.

“The only time that the state can intervene is if the abuse has already happened, because we cannot enter the homes of the employers because these are households,” dagdag nito. LIZA SORIANO

2 thoughts on “INABUSONG OFWs UMABOT NA SA 5K”

Comments are closed.