INAGURASYON NG KAUNA-UNAHANG BOTIKA NG BAYAN SA CALABARZON

botika

LAGUNA – Sa harap ng pamunuan ng Department of Health (DOH) Calabarzon at mga lokal na opisyal idinaos ang pag­lulunsad at inaguras­yon ng kauna-unahang Rural Health Unit (RHU) Botika ng Bayan sa bayan ng Sta. Maria, kamakalawa ng hapon.

Kabilang dito ang isinagawang paglagda sa isang kasunduan o ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni DOH Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo at ni Sta. Maria Municipal Mayor Atty. Antonio “Tony” Carolino.

Ayon kay Janairo, ito aniya ang kauna-unahang paglulunsad ng Botika ng Bayan sa buong Calabarzon kung saan kasunod nito sa bayan naman ng Mauban, Quezon.

Layunin aniya nito na mabigyan ng maayos na Medical Services bukod pa ang ipagkakaloob na lib­reng gamot sa mamamayan bilang bahagi ng programa ng DOH.

Naglaan din ang mga ito ng itatalagang pharmacist sa RHU para sa pagbibigay ng tamang gamot o ang Home Medicines sa lahat ng mga pasyente na may iba’t ibang karamdaman.

At sa iba pang pa­ngangailangan na serbisyong medikal, bukod sa nakatalagang mga doktor, nurse at pharmacist sa araw-araw na gamutan, tutugunan aniya ito ni Carolino para sa kapakanan ng taong bayan.

Sa kabila ng masasabing hindi kalakihan ang bayang ito, hindi aniya matatawaran ang kasiyahan ni Carolino at buong mamamayan ng Sta. Maria dahil dito aniya inilunsad ang kauna-unahang Botika ng Bayan sa bahagi ng Calabarzon sa tulong ni Janairo. DICK GARAY

Comments are closed.