DURING mating ay importante na unang ipapasok sa breeding pen ang inahin kaysa ganador o broodcock upang maiwasan ang disgrasya kasi by nature, ang manok lalo na ang tandang, ay territorial na ayaw niya na basta may papasok sa kanyang kaharian.
“Kapag nasa loob na ng kulungan ang ganador at bigla mo ipinasok ang inahin o pullet, ang tendency kalimitan ay paluin niya ito unless makilala niya ito na babae at agad agad niyang paliligayahin ito para rin ikaw!” pahayag ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Kapag sinabi po natin na universal broodcock 2 years old pataas ang edad ay ideal siyang gamitin sa kahit anong linyada mo na nasa iyong manukan na dumalaga 9-10 months old para maiwasan ang fertility issues o itlog na walang semilya, ayon pa kay Doc Marvin.
“Para sa akin ay mas quality po mag anak ang pullet kung broodcock po ang gagamitin kahit 6-7 yrs old na ay puwede basta ang maximum ratio ay 1 broodcock at 3 pullet. Ang lahat po ay
nakadepende sa kanilang health status kung ang ganador ay hindi laspag iyan po ay palagi may semilya basta kumakasta.Dapat kung proven ang broodcock ay palaging iingatan,huwag naman ‘yung naglulugon na ay pinapakasta pa at iyon po ang malakas makasira sa kanila, tao nga nalalaspag manok pa kaya!” ani Doc Marvin.
“Kung ano po ang breeding program mayroon kayo ay nirerespeto ko at kung nanalo na kayo sa inyong pamamaraan ay huwag na po papalitan o baguhin dahil sa huli ang usapan naman ay kung nanalo,” dagdag pa niya.
In terms naman ng quality ng magiging anak, para kay Doc Marvin ay palaging quality mag-anak ang hen kaysa pullet lalo na kung health condition ang pag-uusapan.
“Palagi po high station stag ang ipapares ‘yung bago lang nagbubusisi o nagangasta kasi para active ang semilya at ang tendency po kasi kapag matanda na ang materyales,paliit ang sukat ng magiging anak,” sabi pa niya.
“Para po ang magiging anak ay panlaban na at pangmateryal pa ang breeder po dapat ang nakakaalam kung alin mismo ang gagamitin pangkasta kung kabisado mo ang linyada mo, higit sa lahat ay dapat kaya mong ipaliwanag kapag may nagtanong ng salitang bakit,” dagdag pa niya,
Comments are closed.