INALIS NA 1.3M SA 4Ps MGA GRADUATE NA

INIHAYAG  ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang basehan sa pagtanggal nila sa 1.3 milyong pamilya sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng kalihim na ayon sa isinagawang survey, 1.3 milyong pamilya sa 50 milyong pamilya na kabilang sa 4Ps ay maituturing nang “graduate” o nakaaangat na.

Ayon kay Tulfo, tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang paglilista upang matukoy kung sino ang graduate na at kung sino ang kailangan pang manatili sa 4Ps para mabigyan ng tyansa ang iba na matulungan din ng naturang programa. DWIZ882