INAMIN NG DA: ASF ‘DI PA KONTROLADO

DA-ASF-2

INAMIN ni Agriculture Secretary William Dar na hindi pa maidedeklara ng pamahalaan na kontrolado na ang mga insidente ng African swine fever (ASF) sa ilang lugar sa Luzon.

“Hindi po. Kasi ang dami pa ring problema. ‘Yung mga magbababoy, hindi nagre-report sa mga kawani. ‘Yung mga trader, mayroon pa ring nagtatangka na magbiyahe, magnegosyo sa mga galing sa affected areas. ‘Yun ang mga problema natin. ‘Yung swill, swill feeding in some areas continue,” wika ni Dar.

Anang kalihim, kaila­ngan ang kooperasyon ng publiko para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

“Cooperation of the public is necessary. Hog raisers, the hog traders and those who are still selling swill feeds, they must stop selling already because these are the very sources,” aniya.

Iminungkahi rin niya ang pagpapalakas sa animal quarantine checkpoints.

“Checkpoints are pro­perly manned. We have to enhance that. If there are meat being transported without documents, we must confiscate that. Hogs being transported without documents, we must confiscate those things. That’s the only way we can contain and control this disease,” paliwanag pa niya.