(Inamin ni Gerald) “MASAYA AKO KAY JULIA”

MATAPOS ang mga ugong na may relasyon sila ni Julia Barretto, inamin na ng aktor na si Gerald Anderson na masaya siya sa aktres.

Sa one-on-one interview kay Boy Abunda umamin si Anderson na:“Very happy. It’s a yes.”

Sinabi ng aktor na pinili nitong ituon ang sarili sa mga biyaya sa gitna ng mga batikos sa kanya.

“At the end of the day, ako ‘yung pinaka-controversial na tao sa Pilipinas ngayon but I’m so blessed with good health, ‘yung pamilya, nakakakain kami araw-araw, may work ako. I can still provide for them,” pahayag nito sa TV host.

Si Anderson at aktres na si Bea Alonzo ay naghiwalay noong 2019 nang kumalat na nali-link ang aktor kay Barretto na co-star nito sa Japan-set romantic drama “Between Maybes,” na noon ay kapwa nila itinanggi. KC

Comments are closed.